Thursday, January 26, 2012

PINOY Jokes

Pa Astigan ng Lola


Boy1: yung lola ko 90 years old na sumasali pa sa breakdance competition.
Boy2: wala yan sa lola ko, 95 years old na pero nag dodota at nag fefacebook.
Boy3: eh lola ko 85 yrs old lang. Nasa ospital.
Boy1 and Boy2: Yan lang masasabi mo sa lola mo pre? labo mo naman. Bakit nasa ospital siya?
Boy3: ayun, nanganganak..


May KATULONG hindi marunong mag tagalog


Amo: inday pag may nagtanong kung asan kmi ng sir mo, sabihin mo umalis nag simba sa Quiapo. Kung magtanong kung kailan ang balik sabihin mo malapit na.
Inday: Opo Ate


(Menimemorize ang sagot hindi ang tanong)


Habang naglilinis may taong dumating mula sa Baygon Company


Ahente: meron po ba kayong ipis, daga at lamok?
Inday: umalis?
Ahente: ha? San nagpunta? (naguluhan)
Inday: sa Quiapo, nagsimba.
Ahente: Nababaliw na ata to.
Inday: Malapit na. ;)


TATAY:Anak, ano itong mga "F" sa mga subjects mo?
JUAN:Tay, yung iba po ay FASS at yung iba po ay FERFECT!
TATAY:Wow, talino ng anak ko!


Paano magsisante ng TAMAD na katulong ng di magdaramdam? "Inday di ko alam kung paano mabuhay ng WALA ka pero simula bukas, susubukan namin!


JUAN:Alam mo Inday, ikaw ang SUSI sa nakakandado kong puso!
INDAY:Sinungaling! Eh sino yung babaeng ka-date mo daw kahapon?
JUAN:DUPLICATE!


TATAY:Anak, gusto mo bang tulungan na kitang sagutin yang homework mo tulad ng dati?
JUAN:Wag na po tay, kaya ko na pong MALIIN ito mag-isa!


JUAN:Asukal nga!
TINDERA:Wala kaming asukal!
J:Asin? T:Wala din!
J:E toyo?
T:Wala kaming toyo!
J:Bat di pa kayo magsara?
T:Wala kaming SUSI!


Habang nasa salamin si misis... 
MRS:Honey, ang tanda ko na, mataba, puro kulubot at pangit na!
MR:At least, malinaw pa ang mata mo! MRS:Grr!


MRS:Hoy, LASING ka na nman! Lumalakad ka na 1 paa sa kalsada at 1 paa sa gutter!
MR:Lasing ba ko?
MRS:Oo!
MR:Hay salamat, kala ko PILAY ako!


EXCUSE LETTER. Dear Mam, Please excuse my absence yesterday due to hedeyk (bura).. headeyk (bura).. headeche (bura).. hedache (bura)... LBM.


TEXT NI MRS KAY MR: Honey, napanood ko sa news na may nasalvage daw na lalaking pandak, pango at ubod ng pangit. Text back kung buhay ka pa!


Anak: Masarap po ba ang DILA? Inay: bakit? Anak: Sbi po kc nila John Lloyd, Luis, Billy at Vhong: DILANG masarap, malinamnam nam nam nam! :)


GURO:Class, gayahin ninyo ang mga langgam, masipag at di naglalakwatsa! JUAN:Mam, eh bakit po nung namasyal kami sa Luneta, andun din sila?


Pag ba nagmamadali late na agad? Di ba pwedeng natatae lang muna? :))

No comments:

Post a Comment